Welcome to our book review site go-pdf.online!

You may have to Search all our reviewed books and magazines, click the sign up button below to create a free account.

Sign up

Let Me Be, Set Me Free (From Your Spell)
  • Language: en
  • Pages: 331

Let Me Be, Set Me Free (From Your Spell)

“Sabi mo, kailangan mo ng boyfriend. Ako na lang. Hindi naman ako busy.” Malapit nang sumilay ang supermoon kaya kailangang- kailangan na ni Lucha ng boyfriend. And it didn’t matter that the guy she wanted was already taken. Eh, di aagawin niya! Para ano pa at mambabarang-extraordinaire siya? Pero may humadlang sa kanyang maitim na balak—si Lucero. Pinsan nito ang gusto niyang sulutin at hindi raw papayag ito na sirain niya ang isang magandang relasyon. Hindi siya natinag at doon siya nagkamali. Her mojos fluctuated and her wicked knickers got all twisty. Because ponytailed, bespectacled and extremely good- looking Lucero just volunteered to be her boyfriend.

For Keeps
  • Language: en
  • Pages: 238

For Keeps

“May five and a half months ka sa piling ko, Misis. Kung ako ikaw, sasamantalahin ko na ang panahon bago matangay ng iba itong mister kong guwapo.” Nangangamba si Lolo Diego na maputol na ang lahing Cajilig, kaya naman sinuhulan nito ang kaisa- isang apong si Maximilian o Mack na mag-asawa na. Wala pang balak mag-asawa si Mack, ngunit baliw lamang ang tatanggi sa twenty million pesos at hindi iyon makakamit ni Mack kung ito ay binata. May solusyon naman sa dilemma nito: si Gidget Alisangco. Matapos makumbinsi na maaari din silang maghiwalay ilang buwan pagkatapos ng kasal ay pumayag sa gusto ni Mack si Gidget. Excited pa siya dahil pinangakuan siya ni Mack ng ten percent sa lahat ng mamanahin nito pagkatapos ng kanilang charade. Ngunit hindi pa man sila nakakasal ay bumaligtad na ang puso ni Gidget. Now she wanted Mack to be hers—for keeps.

Señorita 4: Margarita
  • Language: en
  • Pages: 286

Señorita 4: Margarita

“You were brought up by nuns. Who could say that you are scheming little bitch?” Iyan ang sinabi ni Rodrigo Quintero kay Margarita nang i-blackmail niya ang lalaki upang kumbinsihin si Doña Enriquietta na ampunin siya. Alam niyang mali iyon. Subalit iyon lamang ang naisip na paraan ni Margarita upang magkaroon siya ng kinabibilangang pamilya. Sapagkat siya ay kinupkop lamang ng mga madre. Nagtagumpay siya. Ngunit mukhang malabo siyang matanggap ni Rodrigo bilang kapamilya. Ang higit na masakit ay ang pagdurugo ng kanyang pusong matagal nang umiibig sa lalaki. May pag-asa pa kaya ang nangungulila niyang puso?

Stolen Dream
  • Language: en
  • Pages: 246

Stolen Dream

“That’s the longest kiss in history, Natalia!” Love’s a game, at playground niyon ang damdamin ng mga lalaki. Napakasimple para kay Natalia de Alba na kunin ang atensiyon ng isang lalaki, paibigin, at mawalan ng interes pagkatapos. Bakit hindi? She was young, beautiful, sexy, rich, and desirable. Hanggang sa makilala niya si Bren. She was mesmerized by him sa una pa lang. Handsome and remarkably masculine, isang challenge na agad sa kanya ang lalaki. And what made the game more exciting was: Lori, his girlfriend, versus her deadly charms. Huwag lang papasok sa eksena ang damdaming tinatawag na “pag-ibig”...

The Love Bug
  • Language: en
  • Pages: 247

The Love Bug

“Bakit ba pinahihirapan mo ang sarili mo? Hindi ka naman bibitayin kung aaminin mong may gusto ka sa akin.” Pinagsisihan ni Ningning ang ginawa niyang pambabasted kay Lyle many years ago. Dahil nang muli niyang makita ang lalaki—may damdaming bigla na lang sumibol sa tigang niyang puso. Paanong hindi, eh, napakaguwapo ni Lyle? At kung minimina ang sex appeal, mas mayaman pa siguro ito kay Bill Gates. Parang gusto niyang laging magpakulong sa mga bisig nito at tikman ang mga labi na parang mga magnet na umaakit sa kanya. Umasa rin si Ningning na liligawan siya ni Lyle sa ikalawang pagkakataon. Pero mukhang walang balak ang lalaki. At isa na lang ang option niya: Seduction! Ang problema ay wala siyang ideya kung paano iyon gagawin...

Black Magic Woman
  • Language: en
  • Pages: 226

Black Magic Woman

“And if I’m under your spell, I wish to stay bewitched forever...” Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?

My Love My Hero: Dominador
  • Language: en
  • Pages: 256

My Love My Hero: Dominador

Ang pangarap lang ni Dang ay matagpuan ang kanyang Prince Charming, at ni sa panaginip ay hindi niya inasahang mapapasuot siya sa gulo. Ngunit dahil din sa gulong iyon ay natagpuan niya ang lalaking nang lalangin yata ng Diyos ay nilagyan ng tatak na Limited Edition. Tall, dark, and devastatingly handsome. Si Dominador. I’m no hero. Heroes die. Iyan ang prinsipyo ni Domeng. Ano’t ngayon at susuungin niya ang panganib mailigtas lamang ang babaeng hindi niya maipaliwanag kung paanong napatibok ang kanyang puso! “Have no fear, my love, Domeng is here!” aniya at daig pa ang sinapian ni Rambo at ni Andres Bonifacio. Hindi a-takbo, kahit a-putol a-ulo!

The Nanny
  • Language: en
  • Pages: 243

The Nanny

“Hindi mo na ako dapat pikutin, I was gonna court you anyway because I think I’ve fallen in love with you. But this is cheap! I’m dissapointed, PC.” Isang dream lover na naging bangungot ang fiance ni PC (Paraluman Conde). At ngayon ay kailangan niyang pagtaguan ang lalaki. Isang ex-girlfriend naman ang nag-iwan ng two-year-old daughter sa town house ni Alejo Coronado. Kaya ngayon ay kailangang-kailangan ng lalaki ang isang yaya para sa bata. Dahil magkatugma ang kasalukuyan nilang pangangailangan, tinanggap ni Alejo si PC na maging nanny ni Carly. Okay sana, kaso, pumasok sa eksena ang mama ni Alejo at nais ng ginang na pikutin ni PC ang kaisa-isang anak. Pumayag naman kaya si PC? At bakit hindi?

My Love My Hero: Alfonso
  • Language: en
  • Pages: 277

My Love My Hero: Alfonso

Kailangang-kailangan ni Alfonso Riego ng bodyguard dahil may nagtatangka sa buhay nito. Nakahanap naman ang lalaki: Si Santina, isang stuntwoman, karate expert at walang takot mamatay. Sa halip ay natutuwa pa siya kapag nabibingit sa panganib ang buhay. Sa halip na mapanatag ang kalooban, pakiramdam ni Alfon ay nakikipagluksong-tinik ito kay Kamatayan kapag kasama si Santina. Kung hindi nga lang ubod ng sexy, nasabi na lang nito sa sarili. Ngunit nang si Santina ang malagay sa panganib, para itong hilong tandang na hindi malaman ang gagawin mailigtas lang ang bodyguard na dati’y pinagnanasaan lang, ngunit ngayon ay mahal na nito. He was no Superman, but he was definitely a hero. And he didn’t even know it.

Senorita Series 32: Honoria
  • Language: en
  • Pages: 310

Senorita Series 32: Honoria

The trouble with holding and kissing her like that, once he started, he could not stop. Unti-unti nang iginugupo ng Alzhiemer’s ang isip ng ama ni Honoria pero nang ideklara nitong may anak ito sa labas at doon iiwan lahat ng kayamanan, napilitan siyang sumama kay Laren sa Masbate para hanapin ang nawawalang kapatid niya. Close ito sa kanyang ama at nag-aalala ito sa kalagayan ng matanda. Nagprisinta ito kaya hindi na siya tumanggi. But Laren was the last person she wanted to be with. Because when she was seventeen, she placed a pillow around her belly to make Laren believe she was pregnant. Kaya hanggang sa kasalukuyan, pinagtatawanan pa siya nito at sigurado siya, walang gagawin ito kapag magkasama sila kundi ipaalala sa kanya ang kalokohan niya. But that wasn’t the worst part. The saddest thing was keeping the truth from him. Na totoong dinala niya sa sinapupunan ang anak nila…