Welcome to our book review site go-pdf.online!

You may have to Search all our reviewed books and magazines, click the sign up button below to create a free account.

Sign up

THROUGH ROSE-COLORED GLASSES
  • Language: en
  • Pages: 335

THROUGH ROSE-COLORED GLASSES

May mga pangyayaring dumarating sa buhay natin na `di natin inaasahan. Minsan, magandang balita ang dala nito. Minsan, parang parusa. Mabigat sa dibdib, nakakapanlumo, nakakalungkot, matinding pagsubok sa ating magpakatatag. Pero sa mga pagkakataon ding iyon ay nakikilala natin kung sino at ano tayo para sa ibang tao. Matatagpuan ba natin ang ating sarili na nag-iisa sa pakikibaka? O daragsa ang tulong, ang malasakit, ang pagmamahal, ang pag-asa? In this collection of short stories from your beloved PHR authors comes a message of inspiration, of love, of hope. Pinagsama-sama para sa iisang layunin: na nagkakaisa ang lahat para sa isang kaliga, kaibigan, kapatid. Para kay Angel Bautista. Read our stories and see the light beyond the darkness, the good despite the bad. A world that may be in despair but can still be beautiful as seen THROUGH ROSE-COLORED GLASSES. - Georgette Gonzales

Stallion Series 1: Jubei Bernando
  • Language: en
  • Pages: 284

Stallion Series 1: Jubei Bernando

Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipagsapalaran niya sa galit ng kanyang ama, mga kapatid at pesteng holdupper, nakilala niya si Jubei. Kasalukuyang nakikipagnegosasyon siya noon sa holdupper nang sumulpot na lang ang binata mula sa kung saan. Nailigtas siya nito pero hindi ang pera niya. Napundi yata sa kanya ang binata sa kakakulit niyang bayaran nito ang kanyang perang nawala nang dahil dito kaya bigla na lang siyang pinakulong nito. Ayon dito, isa siyang miyembro ng malaking sindikato. Isinumpa niya ito sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya inakala, sa lahat ng santo ring iyon siya haharap... kasama ng binatang isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Ngunit ang matindi, narinig at nakita pa niya ang binata nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O, 'di ba, ang saya?

Black Magic Woman
  • Language: en
  • Pages: 228

Black Magic Woman

“And if I’m under your spell, I wish to stay bewitched forever...” Jake was in trouble at ang makalulutas lamang ay si Atty. Buluran. Ngunit may kondisyon ang tusong abogado: Pakakasalan ni Jake ang anak nito. Pumayag ang playboy. Palaki ng lola si Willa. Ordinaryo? Hindi. Sapagkat ang kanyang lola ay isang authentic witch na nagmula sa Siquijor. Itinuro nito sa kanya ang lahat ng nalalaman sa mahikang itim. Bewitched. Iyan ang salitang tugma kay Jake nang masilayan si Willa. Sinuyo nito ang dalaga at hindi naman nabigo, sapagkat si Willa ay kaagad ding nabighani kay Jake. Ngunit nalaman niya ang tungkol sa kasunduan ng binata at ng kanyang ama. Hindi pala totoo ang pag-ibig ni Jake. Ngayon ay isasagawa niya ang kanyang ultimate magic ritual upang gantihan ito. Paano na ang pag-ibig ni Jake? Tubuan kaya ito ng maraming kulugo, o lalo pa kayang humaba ang kanyang ilong?

Senorita Series 32: Honoria
  • Language: en
  • Pages: 312

Senorita Series 32: Honoria

The trouble with holding and kissing her like that, once he started, he could not stop. Unti-unti nang iginugupo ng Alzhiemer’s ang isip ng ama ni Honoria pero nang ideklara nitong may anak ito sa labas at doon iiwan lahat ng kayamanan, napilitan siyang sumama kay Laren sa Masbate para hanapin ang nawawalang kapatid niya. Close ito sa kanyang ama at nag-aalala ito sa kalagayan ng matanda. Nagprisinta ito kaya hindi na siya tumanggi. But Laren was the last person she wanted to be with. Because when she was seventeen, she placed a pillow around her belly to make Laren believe she was pregnant. Kaya hanggang sa kasalukuyan, pinagtatawanan pa siya nito at sigurado siya, walang gagawin ito kapag magkasama sila kundi ipaalala sa kanya ang kalokohan niya. But that wasn’t the worst part. The saddest thing was keeping the truth from him. Na totoong dinala niya sa sinapupunan ang anak nila…

Señorita 4: Margarita
  • Language: en
  • Pages: 286

Señorita 4: Margarita

“You were brought up by nuns. Who could say that you are scheming little bitch?” Iyan ang sinabi ni Rodrigo Quintero kay Margarita nang i-blackmail niya ang lalaki upang kumbinsihin si Doña Enriquietta na ampunin siya. Alam niyang mali iyon. Subalit iyon lamang ang naisip na paraan ni Margarita upang magkaroon siya ng kinabibilangang pamilya. Sapagkat siya ay kinupkop lamang ng mga madre. Nagtagumpay siya. Ngunit mukhang malabo siyang matanggap ni Rodrigo bilang kapamilya. Ang higit na masakit ay ang pagdurugo ng kanyang pusong matagal nang umiibig sa lalaki. May pag-asa pa kaya ang nangungulila niyang puso?

Blue Heart Lady
  • Language: tl
  • Pages: 265

Blue Heart Lady

“I will be here for you, Argana In your quietude or distress; in your agony or fear or happiness—I’ll always be here.” Napakarami nang kabiguan ang naranasan ni Argana. Noong sanggol pa lamang siya ay may mag-asawang nagpadukot sa kanya dahil walang anak ang mga ito. At nang magkikita na sila ng tunay niyang mga magulang, naaksidente naman ang mga ito at namatay. Ngunit naging mabait pa rin kay Argana ang Diyos—nakilala niya si Gus, ang lalaking lampas pa sa perfect standard ng isang tunay na lalaki. Makikipaglaban si Gus ng paguwapuhan sa namayapang si JFK, Jr., makikipagtunggali rin sa mga Ayala sa larangan ng negosyo. Kahit nga si Kupido ay inunahan na nito sa bilis na mapaibig siya. Si Gus ang nagsilbing healing balm nang mga panahong nagluluksa pa si Argana sa pagkamatay ng mga magulang; tinuruan siya nitong tumawa at humawak sa pag-asa. Ipinaalam nito kung paano maging masaya at umasam ng ligaya. Tinuruan din siya nitong umibig—at umiyak.

Be Still, My Heart
  • Language: tl
  • Pages: 282

Be Still, My Heart

“Love or lust?” “Shake the hands of the brand-new fool.” Ito ang sinabi ni Jenny sa sarili nang pumayag siya sa alok ni Anthony na mag-live-in sila. Walang balak ang palikerong lalaki na pakasalan siya sapagkat ayaw nito ng commitment. “Arrogant little witch,” ang tawag ni Anthony kay Jenny, na housemaid lamang niya. At, eh, ano kung walang alam na trabaho ang dalaga? Who can resist a pretty maid na nahuli niyang naka-bikini sa swimming pool niya?

Puzzle Of My Heart
  • Language: tl
  • Pages: 290

Puzzle Of My Heart

There’s a hole in my life without you beside me... but it’s hell missing you and thinking about you all the time—knowing you don’t care about me... not a bit at all.” May rason si Liz kung bakit halos isumpa niya ang sikat na basketball player na si Jeremy Keane. When they met face-to-face, she got caught between love and hatred—dalawang bagay na kinikimkim ni Liz para sa binata sa loob ng maraming taon. At labis na naguguluhan doon ang lalaki. Para kay Jeremy, isang malaking palaisipan si Liz na may maraming nawawalang piraso. And he intended to find each missing piece to complete the picture. Pero duda si Liz na magagawa ni Jeremy iyon. Why? He did not even remember Deniece—the largest piece of the picture puzzle...

Camp Speed 10: Give Your Heart A Brake
  • Language: tl
  • Pages: 390

Camp Speed 10: Give Your Heart A Brake

“Even if I happen to forget about our love, I’m pretty sure that once I see you, I will just fall in love with you all over again.” Masaya at kontento si Raiza sa buhay niya. Bukod sa natupad na ang pangarap niyang makapagtrabaho sa isang malaking kompanya ay may mabait pa siyang boyfriend at masayang pamilya. And so she thought. Dahil minsang isinama siya ni Ivan Richard Aguila—ang guwapo pero masungit niyang boss—sa Camp Speed at masaksihan niya ang pagsasalpukan ng dalawang big bike sa arena ay dumagsa ang mga imahen sa isip ni Raiza na nagdulot ng maraming tanong sa kanyang isip. Mula noon ay nag-iba ang takbo ng buhay niya. May mga pagkakataong naguguluhan si Raiza sa mga ikin...

My Love My Hero: Andres
  • Language: en
  • Pages: 301

My Love My Hero: Andres

Isa si Raya sa mga hinahangaang artista ng bansa. May threat sa buhay niya. At upang maprotektahan siya, kinuha niya ang serbisyo ng isang bodyguard—si Andres, disiplinado, estrikto, at halos hindi nagsasalita. Pero effective ito. He was so effective that she couldn’t keep a secret from him. Pati nga yata puso niya ay naguwardiyahan na nito. Pero may isang sekreto siya na handa siyang buwisan ng buhay huwag lamang mabulgar. But Andres found out and he was disgusted with it…