You may have to Search all our reviewed books and magazines, click the sign up button below to create a free account.
Sa bawat madilim na sulok ng silid, may mga anino na nagmamasid sa atin, nagtatago sa ilalim ng ating mga kama. Kung minsan ay nasa loob mismo ng iyong kuwarto o sa inyong bahay, at ang masaklap ay kasa-kasama mo sa iyong buong buhay. Ang mga nilalang na ito ay tila hindi mapanganib kung kaya't nilalang lang ng madla. Ngunit ang totoo, sila'y kahindik-hindik at kung minsa'y karumaldumal; sila’y galing sa mga kuwentong ating isinasantabi sa madilim na bahagi ng ating mga isip. Ang koleksiyong ito ay tila isang salamin na nagbibigay-liwanag sa mga itinatago nating takot. Bakit kailangang basahin ang aklat na ito? Sapagkat sa bawat pahina, matutuklasan mo ang mga kuwento ng mga nilalang na nakakapit sa ating mga panaginip at palakad-lakad sa ating mga guniguni. Ang mga kuwentong ito ay naglalaman ng mga aral at babala na makakatulong sa iyo upang mabuhay, upang hindi na muling masaktan... ng mga nilalang na nagsisilbing tagabantay ng iyong mga pinakamimithi at pinapangarap. Huwag magpabaya. Basahin mo na ang aklat na ito, o sa susunod na gabi, maaaring wala ng pag-asang matulog ng mapayapa sa kadiliman. Ang mga nilalang na nilalang lang nila ay naghihintay! - W. J. Manares, patnugot
Love: the art of finding beauty in the simplest moments.
The diary of Heinrich Witt (1799-1892) is the most extensive private diary written in Latin America known to us today. Written in English by a German migrant who lived in Lima, it is a unique source for the history of Peru, and for international trade and migration.